
Ayan mga ka Tambay Nagtapos ang labanan na may score na 88-69 in favor of San Juan Knights, dinomina nga ng Datu Cup National Champions na San Juan Knights ang Cebu City Sharks, Ang San Juan Knights ay ang leading team ng MPBL Lakan Season na may 10 winning streak at wala pang talo mga ka Tambay. Ang hinirang na Player of the Game at leading scorer para sa San Juan ay si John Wilson na may score na 23 points, sinundan naman sya ni Macmac Cardona na may 16 points at Mike Ayonayon na may 12 points. Para naman sa Cebu nanguna si Edrian Lao na may 14 points, sinundan nga sya ni Joel Lee Yu na may 10 points at Ubalde na may 10 points din. Napigilan naman ng San Juan Knights ang Cebuano Sniper na si Patrick Cabahug na hanggang 2 points lang ang puntos at 18 spot naman ang Cebu sa Overall Standings na may 4 wins at 6 loss. Para naman sa leading rebounds pinangunahan ni Jhonard Clarito ang San Juan Knights na may 11 rebounds at Edrian Lao para sa Cebu na may 8 rebounds. Kung nagustuhan nyo mga ka tambay ang ganitong format na video natin ay paki like po ng ating video, subscribe at i-click ang notification bell icon para di nyo ma miss ang ating updates at announcements. Comment below mga ka Tambay dahil papalapit na ang ating Giveaway. This is Tambay Avenue at kita kits sa ating susunod na video.
0 Comments